wikipedia - 13 Apr 2023
Ang ideolohiya ay mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos. Binubuo ito ng mga paniniwala ukol sa pananaw sa sandaigdigan, ng programa para sa pampulitika at panlipunang pagbabago, ng pagkaunawang kailangang ipaglaban ang programang ito, at ng pag-akit sa mga tao na isagawa ang programang ito. Ang kapitalismo,sosyalismo, at komunismo ay ilan lamang sa mga halimbawa nito.