Ang Kapuluan ng Pitcairn ay isang pangkat ng mga pulo na nasa k...
wikipedia - 28 Jul 2021Ang Kapuluan ng Pitcairn ay isang pangkat ng mga pulo na nasa katimugang Pasipiko. Ang mga tao ay namumuhay lamang sa pangalawang pinakamalaking pulo ng kapuluang binubuo ng apat na mga pulo. Ang pulong ito ay pinangalanang "Pitcairn". Pinamamahalaan ito ng Nagkakaisang Kaharian. Ito ang mayroong pinakamaliit na dami ng mga tao sa anumang bansa. Noong 2007, 48 mga tao ang naninirahan dito.