wikipedia - 13 Apr 2023
Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa despacito Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.[1]